Campaign sorties para sa 2022 National and Local elections, papayagan pa rin ng COMELEC
Hindi aalisin ng Commission on Elections ang nakasanayan ng campaign sorties ng mga kandidato para sa May 2022 National and Local Election.
Ayon kay Comelec Commissioner Antonio Kho ang isa sa mga mahigpit na pinag- aaralan ng poll body ngayon.
Sa Kapihan sa Manila Bay News Forum, ipinaliwanag ni Kho na ang campaign sorties ay bahagi na ng kultura ng mga Filipino sa panahon ng halalan.
Tiniyak naman ni Kho na magpapatupad sila ng mahigpit na control measure lalo at patuloy pa ang banta ng COVID-19.
Bagamat sa panahon ng kampanya para sa 2022 elections ay tiyak na marami na aniya ang nabakunahan sa bansa kontra COVID-19 hindi parin dapat na maging kampante ang publiko.
Ayon kay Kho, para sa campaign sorties ay magiging mahigpit sila at dapat masigurong malilimitahan ang dami ng tao.
Dapat din aniyang matiyak na walang interaction gaya ng pakikipagkamay.
Pero hinihikayat aniya nila ang mga kandidato na mas gamitin ang internet o social media para sa mas ligtas na pangangampanya.
Paalala ng Comelec official kahit marami na ang nabakunahan kontra COVID-19 ay hindi parin nawawala ang banta ng virus.
Ang election period para sa May 2022 national and local election ay mula Enero 9 hanggang Hunyo 8,2022.
Madz Moratillo