Canada kumilos na upang agad na mahinto ang rail shutdown at makabalik sa trabaho ang rail workers
Inihayag ng Teamsters union, na magsisimula nang magbalik trabaho ngayong Biyernes ang mga mangagawa ng Canadian National Railway (CNR), ilang oras makaraang kumilos ang Canadian government upang tapusin na ang rail shutdown.
Sinabi ng unyon na ang work stoppage sa Canadian Pacific (CP) ay magpapatuloy habang nakabinbin pa ang isang kautusan mula sa Canadian Industrial Relations Board (CIRB).
Ang mga opisyal ng unyon at kompanya ay nakatakdang magpulong ngayong araw.
Nitong Huwebes ay huminto sa trabaho ang mahigit sa 9,000 unionized workers ng dalawang nangungunang railroads ng Canada, ang Canadian National Railway at Canadian Pacific Kansas City na naging sanhi ng tuloy-tuloy na pagtigil sa biyahe, na ayon sa business groups ay magreresulta sa daang milyong pinsala sa ekonomiya.
Nitong Huwebes din ay inanusiyo ng Canadian government na hihilingin nito sa industrial relations board ng bansa na mag-isyu ng isang back-to-work order.
Kokonsultahin naman ng CIRB ang mga kompanya at mga unyon bago ipalabas ang kautusan.
Una nang sinabi ng CN na tatapusin na nila ang work stoppage ala-6:00 ng gabi nitong Huwebes, habang sinabi naman ng CPKC na naghahanda na itong magsimula nang operasyon sa Canada at ang dagdag na mga detalye ukol dito ay ibibigay sa sandaling matanggap na nila ang kautusan ng CIRB.
Ayon kay Labour Minister Steven MacKinnon told, “I assumed that the trains will be running within days.”
Bukod sa kahilingan ng isang back-to-work order, hiniling din ni MacKinnon sa board na simulan na ang isang proseso ng “binding arbitration” sa pagitan ng Teamsters union at ng mga kompanya, at palawigin ang termino ng kasalukuyang labor agreements hanggang sa malagdaan ang mga bagong kasunduan.
Nagsisihan ang magkabilang panig sa nangyaring work stoppage, makaraang mabigo na magkaroon ng kasunduan sa marami nang mga pag-uusap.
Sa isang bagong pahayag kaninang umaga, nagpost ang Teamsters union sa X, na binuwag na nila ang picket lines sa CN.
Sinabi ni CN spokesperson Jonathan Abecassis, “It will take the company a week or more to catch up on shipments.”
Ang desisyon ni MacKinnon ay senyales ng pagbabago ng isipan ng Liberal government ni Prime Minister Justin Trudeau, na nagsabing nais nitong makita na maayos na ang problema.
Ayon kay MacKinnon, “We gave negotiations every possible opportunity to succeed … but we have an impasse here. And that is why we have come to this decision today.”
Una nang nagdemand ang business groups at mga kompanya na aksiyunan ng gobyerno ang work stoppage.
Sa isang post sa X ay sinabi ni Trudeau, “Collective bargaining is always the best way forward, but governments must act when faced with serious consequences to supply chains and the workers who depend on them.”
Ang Canada ang ikalawang pinakamalaking bansa sa mundo (by area) at lubhang umaasa sa railways upang ibiyahe ang malaking bilang ng iba’t ibang commodities at industrial goods.
Sa isang pahayag ay sinabi ng Canadian Manufacturers & Exporters, na isang industry group, “We are pleased the government has responded to our calls to intervene. A prolonged stoppage would have imposed enormous costs on Canadian business.”
Inakusahan naman ni Paul Boucher, head ng Teamsters rail union, ang CN at CPKC at sinabing “They are willing to compromise rail safety and tear families apart to earn an extra buck.”
Ang nangyaring work stoppage ay pumilay sa shipments ng mga butil at uling at nagpabagal din sa pagbibiyahe ng petroleum products, mga kemikal at mga sasakyan.
Libu-libong katao na umaasa sa ilang mga linya ng commuter rail papunta sa Toronto, Vancouver at Montreal ang apektado rin ng stoppage, dahil lahat ng train movement sa mga nabanggit na CPKC-owned lines ay natigil nang walang katiyakan.
Ayon sa unyon at mga kompanya, “The stoppage was largely rooted in scheduling, availability of labor and demands for better work-life balance after Ottawa introduced the new duty and rest-period rules in 2023.”