Canada magtatatag ng regional agricultural office sa bansa
Inanunsiyo ng Department of Foreign Affairs (DFA) na magbubukas ang Canada ng regional agricultural office sa bansa.
Ayon sa DFA, bilang regional base ay may mahalagang papel at magsisilbi ang Manila office na staging point para sa pagpapalakas sa technical cooperation at sa kalakalan ng agrikultura at agri- food products sa pagitan ng Pilipinas at Canada.
Ikinalugod naman ni Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo ang pagtatayo ng Agriculture and Agri-Food Office ng Canada sa Pilipinas.
Sinabi ni Manalo na inaasahan na makatutulong ang pagtatag ng regional hub sa bansa para makamit ang food security at resiliency goals ng Pilipinas.
Binanggit pa ng DFA ang pahayag ni Canadian Foreign Minister Mélanie Joly sa kaniyang official visit sa bansa noong Mayo na makikinabang ang mga Pinoy at Canadian farmers at companies sa direktang palitan ng mga kaalaman at kakayahan.
Moira Encina