Canada naghahanda para sa posibleng pinakamalalang wildfire season
Nagbabala ang mga opisyal, na nahaharap ang Canada sa isang matinding wildfire situation sa mga darating na buwan, matapos matupok ang malawak na bahagi ng kagubatan at damuhan mula sa mga baybayin nito sa Pasipiko hanggang Atlantiko.
Sa kasalukuyan, nasa 26,000 katao ang namamalaging displaced dahil sa sunog, kung saan humigit-kumulang 120,000 ang kailangang lumikas sa nakalipas na buwan.
Mula sa westernmost British Columbia hanggang sa Nova Scotia sa east coast, nasa 3.3 milyong hektarya na ang nasunog.
Sinabi ni Prime Minister Justin Trudeau, “Our modeling shows that this may be an especially severe wildfire season throughout the summer.”
Tinukoy ng mga opisyal ang partikular na mainit at tuyong kondisyon sa mga nakalipas na buwan, na inaasahang magpapatuloy hanggang Agosto.
Ayon kay Natural Resources Minister Jonathan Wilkinson, “If the current trajectory continues, it very well could be… ‘Canada’s most severe fire season ever,’ with fires having already burned 10 times the historic average area. Every province and territory will need to be on high alert throughout this wildfire season.”
Sa kasalukuyan, 413 wildfires ang lumalagablab sa buong Canada, kabilang ang 249 na itinalang out of control. At tatlong probinsya — ang Alberta, Nova Scotia at Quebec — ang humingi na ng federal assistance.
Sinabi ni Emergency Preparedness Minister Bill Blair, “the country has seen ‘some of the most severe (fires) ever witnessed in Canada,’ and should brace for ‘continued higher than normal’ fire activity.”
Dagdag pa ni Wilkinson, “wildfire risks are likely to ‘increase in June and remain unusually high throughout the summer’ across the country. It shows us that this year’s already devastating season could well get worse.”
Ang Canada ay paulit-ulit nang tinamaan ng extreme weather sa mga nakalipas na taon, na ang tindi at dalas ay naragdagan dahil sa global warming.
Matapos ang malalaking pagsiklab sa kanluran ng bansa noong Mayo, lalo na sa ng prairie provinces ng Alberta at Saskatchewan, ang paglaban sa mga sunog ay lumipat sa Nova Scotia sa silangan nitong mga nakaraang linggo, at kamakailan lamang ay sa Quebec.
Ang isang sunog na nagbabanta sa paligid ng Halifax, na siyang pinakamalaking lungsod sa Nova Scotia, ay napigilan nitong weekend kung saan nakatulong ang pag-ulan at mas malamig na panahon sa mga pagsisikap na maapula ang sunog. Ilan sa inilikas na mga residente ay pinayagn nang makabalik sa kanilang bahay.
Sa Quebec, ang maliit na bayan ng Clova ay inabandona dahil umaabante ang sunog, kaya napilitang lumikas ang tatlong dosenang mga naninirahan sa lugar. Nasa 10,000 residente rin ng Sept Iles ang nananatili sa ilalim ng isang evacuation order.
Samantala, ipinadala na ng Ottawa ang militar upang tumulong, habang nasa 1,000 pamatay sunog mula sa Australia, France, Mexico, New Zealand, South Africa at United States ang dumating na rin o kaya ay papunta na para tumulong sa pag-apula sa sunog.