Canadian candy company naghahanap ng professional taster
Isang kompanya ang nag-aalok ng taunang suweldo na Can$100,000 (US$78,000), sa work-from-home setting na ang magiging trabaho ay tikman ang higit sa 3,500 candies.
Ang Candy Funhouse, na isang Canadian online candy shop, ay naghahanap ng isang “Chief Candy Officer” para pamunuan ang isang team ng product taste testers.
Ayon sa tagapagsalita ng Funhouse na si Vanessa Janakijevski-Rebelo . . . “Early last year we were looking for Candyologists, our original taste testers and we currently have three on board. Now we are on the hunt for our Chief Candy Officer who will guide our Candyologists down the sweetest path possible!”
Kabilang sa mga magiging resposibilidad ng Chief Candy Officer ay aprubahan ang mga bagong produkto, mag-organisa ng staff meetings at iba pang nakatutuwang mga gawain.
Ang alok ay bukas sa sinumang lampas edad limang taon na naninirahan sa North America.
Sinabi ng Candy Funhouse na nakatanggap na sila ng higit sa 100,000 aplikante sa loob ng dalawang linggo.
Lubhang naging popular kapwa sa mga matatanda at kabataan sa social media ang post tungkol sa posisyon, kung saan sinabi ng isang Twitter user na ang walong taong gulang niyang anak ay nag-setup pa ng LinkedIn profile para lamang makapag-apply.
Sa sandaling mapili, ang masuwerteng aplikante ay sasailalim sa “extensive palate training.” Kabilang naman sa benepisyong kaakibat ng kaniyang trabaho ay isang “extensive dental plan.”
© Agence France-Presse