Cancer drug na Acalabrutinib,inalis na sa mga gamot na kasama sa WHO solidarity trial
Hindi na itinuloy ng World Health Organization ang paggamit ng cancer drug na Acalabrutinib bilang bahagi ng solidarity trial sa paghanap ng gamot para sa COVID-19.
Kasabay nito, nilinaw ni Health Usec. Ma Rosario Vergeire na walang pasyente sa bansa ang nabigyan ng nasabing gamot.
Bagamat dumating aniya sa bansa ang supply ng Acalabrutinib, hindi na nila ito ibinigay sa mga pasyente dahil nagsabi ang WHO na hindi na ito isasama sa solidarity trial.
Dahil rito, gagawa aniya sila ng disposal mechanism para sa final disposition ng mga gamot.
Kaugnay nito, sinabi ni Vergeire na tuloy parin ang trial at kanilang recruitment para sa gamot na remdesivir bilang posibleng gamot sa COVID-19.
Bagamat nagsabi aniya ang WHO na hindi nakatulong ang gamot na ito sa risk at paglala pa ng kaso ng COVID-19 ay sinabi naman ng WHO na ituloy parin ang pagbibigay nito sa mga pasyente.
Maaari kasi aniyang iba ang maging resulta ng pag-aaral kapag mas malaki ang bilang ng participants.
Sa ngayon ay nasa 438 ang bilang ng mga pasyente na naka enroll sa bansa sa remdesivir trial.
Madz Moratillo