Cancer survivors sa melanoma clinic sa Sydney, binisita ni King Charles
Binisita ni King Charles ngayong araw ng Martes ang isang skin cancer clinic sa Sydney, kung saan nakipagkita siya sa cancer survivors at researchers na gumagawa ng lunas para sa sakit.
Ang pagbisita sa Melanoma Institute Australia, ay isa sa pinal na public appearances ni King Charles sa kaniyang 16th official visit sa bansa, ang una niyang major overseas trip mula nang ma-diagnose na mayroon siyang hindi matukoy na uri ng cancer.
Walang binanggit tungkol sa diagnosis ng hari sa naturang pagbisita, kung saan nakipagkita siya sa melanoma survivor na si Adam Brown at kaniyang pamilya. Si Brown ay binigyan ng labingdalawang buwan upang mabuhay nang siya ay ma-diagnose noong 2015.
Ipinakilala ni Brown at ng kaniyang asawang si Kristy, ang kanilang mga anak na “dalawa nilang himala.”
Binati ni King Charles si Brown, pero nagbiro kung bakit nakipag-meet sa kaniya ang mga bata gayong oras pa ng eskuwela.
Nakaharap din ng hari ang kilalang melanoma researcher at brain cancer survivor na si Richard Scolyer. Na-diagnose na may brain cancer noong isang taon, si Scolyer ay sumailalim sa world-first surgery at ang kaniyang tumour ay nasa “remission” na.
Kasama ni Scolyer ang kapwa niya researcher na si Georgina Long. Sila ay kapwa pinangalanan bilang Australians of the Year noong Enero dahil sa kanilang pananaliksik tungkol sa melanomas.
Ayon kay Scolyer, “That was an amazing opportunity for us to tell the king about what we’re doing here trying to deal with Australia’s national cancer, and to talk about how we’re trying to get to zero deaths from melanoma.”
Una rito ay nakipagkita ang hari sa Indigenous elders sa inner-city ng Redfern, tahanan ng urban Aboriginal civil rights movement, kung saan niyakap siya ng elder na si Michael Welsh
Kabaligtaran naman ito ng nangyari nitong Lunes nang ang hari ay batikusin sa Parliament House sa Canberra, ng independent senator at Indigenous activist na si Lidia Thorpe na isinigaw ang hindi niya pagtanggap sa pagiging hari ni Charles sa Australia.
Tinapos ni King Charles at Queen Camilla ang araw sa pamamagitan ng isang fleet review ng Royal Australian Navy sa Sydney Harbour.