Canine Parvovirus, ano ba ito?
Kung ikaw ay nag-aalaga ng hayop partikular na ang aso, ang isa sa mga ayaw nating mangyari sa mga alaga ay ang magkasakit sila.
Kaya nga para makapagdagdag tayo ng mga kaalaman, ito ang pag-uusapan natin ngayon, ang sakit na canine parvovirus o parvo virus.
Ipinaliwanag ni Dr. Reign Zander Castro, Veterinarian, ang tungkol dito.
Ang parvo virus ay isang viral infection, tinatamaan ay mga tuta sa edad na 6 weeks to 6 months old.
Ang mga sintomas ay panghihina, pagsusuka, bloody diarrhea, abdominal pain, bloating, severe dehydration, kawalan ng gana, pagkakaroon ng intestinal damage.
Tumatagal ang sintomas ng 2-7 araw, kapag naexpose sa virus.
Pinaalala niya na ito ay nakahahawa, transmittable sa iba pang hayop. Mahalagang maisolate ang alagang hayop, lalo na kung alam natin na hindi pa bakunado ang alagang tuta.
Ayon pa kay Vet Reign maaaring mga gamit na mula sa labas gaya ng tsinelas, maging sa mga asong kalye na resistant sa nasabing virus ang nagiging spreader.
Nabanggit pa ni Vet Reign, wala naman panganib na mahawa ang tao sa nasabing virus.
Ang gamutan ay tumatagal ng dalawang linggo hanggang isang buwan, depende sa resistensya ng alaga.
Kailangan ding dumaan sa mga laboratory test.
Inalam natin kung totoong may mga partikular na lahi o breed ng aso ang madalas magkaroon ng ganitong sakit.
Ang sabi niya ‘oo’ tulad ng Rottweiler breed mas malaki ang chance na mamatay.
Sabi niya genetic na ito.
Panghuli, pinaalala ni Vet Reign na madaling makaiwas sa ganitong sakit.
Una, pabakunahan ang ating mga alaga, ikalawa hangga’t maaari ay may check up kahit isang beses sa loob ng isang taon.