Capt. Nicanor Faeldon, sumipot na sa pagdinig ng Senado sa 6.4 bilyong pisong shabu shipment

Sumipot na sa pagdinig ng Senado si Captain Nicanor Faeldon sa
imbestigasyon ng senado kaugnay sa smuggling ng shabu sa Bureau of
Customs na nagkakahalaga ng 6.4 billion pesos.

Na-contempt at nakulong si Faeldon sa senado mula noong September 11
dahil sa pagtangging humarap sa Blue ribbon committee.

Pero sa simula pa lamang ng pagdinig, sinermunan na ito ng chairman ng
Blue ribbon committee na si Senador Richard Gordon.

Wala raw intensyon ang senado na magpakulong ng sinuman pero kailangan
aniyang gawin ito para malaman ang katotohanan at mapapanagot ang mga
nasa likod ng mga katiwalian sa mga ahensya ng gobyerno.

Mali aniya ang mga pahayag ni Faeldon na ipinagkakait ang kaniyang mga
karapatan katunayan, pinayagan pa nga itong magpa-party sa kaniyang
detention cell noong Disyembre.

Bwelta naman ni Faeldon, masyado raw exaggerated si Gordon na nauwi sa
mainitang pagtatalo.

Nakipagtaasan pa ito ng boses kay Gordon at inakusahan ang senador na
wala raw intesyong alamin ang katotohanan.

Narito ang bahagi ng kanilang naging sagutan:

Capt. Faeldon:
“You are not interested in finding out the truth, you’re monologue-ing..”

Sen. Gordon:
“Your actions show how defiant you are. You will remain under contempt”.

Capt. Faeldon: “I have no problem with that”.

Ulat ni Meanne Corvera

 

=== end ===

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *