CAR, nakapagtala ng higit 127,000 nabakunahan kontra Covid-19
Umabot na sa 127,190 residente ng Cordillera Administrative Region (CAR) ang nakatanggap na ng kanilang first dose ng bakuna kontra Covid-19.
Ayon sa Department of Health-CAR kabilang dito ang nasa 42,728 na frontline health workers o A1; 42,673 ang Senior Citizenso A2; 41,008 ang People with Comorbidities (A3); 673 ang Esssential workers (A4) at 108 ang mula sa mahihirap na pamilya (A5).
Sinabi ni Dr. Amelita Pangilinan, DOH-CAR Assistant Director na umaasa silang mababakunahan na ang lahat ng senior citizen sa kanilang rehiyon.
Samantala, batay sa record, ang Baguio city ang nangunguna sa may pinakamaraming nabakunahan sa rehiyon na nasa 53,842 na nakatanggap na ng kanilang first dose habang nasa 22,748 naman ang nakakumpleto na ng bakuna.
Nasa 115,259 doses na ng Covid vaccine ang natanggap ng Baguio city simula nang umpisahan ang rollout noong Marso.