Cardiovascular diseases, pangunahing sanhi pa rin ng pagkamatay ng maraming Pilipino ayon sa WHO
Tinatayang walo sa sampu na may edad 40 pataas nagiging biktima ng stroke at heart attack.
Ito ay batay sa country profile ng World Health Organization.
Ayon naman kay Health Secretary Paulyn Ubial, ang pagkahilig kumain ng mga Pilipino ng sugary foods, mga pagkaing sagana sa taba o fat at may taglay na food preservatives, ang ilan sa sanhi kung kaya dinadapuan ng mga nabanggit na sakit.
Sinabi rin ng kalihim na may apat na senyales na mararanasan ang isang tao na inaatake sa puso at nakararanas ng stroke.
Kabilang dito ang chest pain na maaaring itulad sa pakiramdam na paninikip ng dibdib, pressure o kirot na minsan ay umaabot sa mga braso , kasama rin ang nausea o pagkahilo, shortness of breath o pagkakapos ng hininga.
Ang lahat ng ito ay sanhi ng sugar, fat at food preservatives na dapat iwasan para hindi makaranas ng atake sa puso.
Payo ni Ubial, maging maingat sa kinakain, panatilihin ang balanced diet, maglaan ng oras sa pag- e exercise at isagawa ang healthy lifestyle tulad ng pag iwas sa paninigarilyo, paginom ng alak at iba pang masamang bisyo.
Ulat ni: Anabelle Surara