Career diplomat itinalagang bagong DFA spokesperson
May bagong tagapagsalita na ang Department of Foreign Affairs (DFA).
Ito ay si dating Philippine Ambassador to Chile Assistant Secretary Ma. Teresita Daza.
Ayon sa DFA, si Daza ay beteranong career diplomat.
Nagsilbi rin dati si Daza bilang Philippine Ambassador to India, Chargé d’Affaires, ad interim at Deputy Permanent Representative sa Permanent Mission of the Philippines to ASEAN sa Jakarta.
Hinawakan din niya ang ilang posisyon sa DFA sa mga nakaraan gaya sa Office of ASEAN Affairs, Office of Protocol at Office of the Secretary-Economic Diplomacy Unit.
Apat taon na ang nakalipas nang magtalaga ng tagapagsalita ang DFA.
Si Daza rin ang unang babaeng DFA spokesperson matapos ang 18 taon.
Tiwala ang DFA na dala-dala ni Daza ang mayaman niyang karanasan sa diplomasya sa bago nitong puwesto sa kagawaran.
Moira Encina