Carlo Paalam, isang panalo na lang mula sa Olympic Gold

Wagi si Carlo Paalam sa Men’s Flyweight (48-52kg) Semifinals at nakatitiyak nang makapag-uuwi ng silver medal.

Tinalo ni Paalam ang Japanese boxer na si Ryomei Tanaka sa pamamagitan ng unanimous decision sa kabila ng home advantage nito.

Dahil dito, muling nagkaroon ng isa pang pagkakaton ang Pilipinas upang makapag-uwi ng isang pang gintong medalya mula sa Tokyo Olympics.

Unang round pa lamang ay naging agresibo na si Tanaka at panay ang lusob kay Paalam.


Todo depensa naman si Paalam subalit pumapasok pa rin ang suntok ng Japanese boxer.


Ganito pa rin ang naging taktika ni Tanaka sa ikalawang round kung kayat napapaatras si Paalam.


Sa kabila nito, tumatama sa Japanese boxer ang mga solidong suntok ni Paalam.


Sa ikatlong round ay unang umatake si Paalam subalit hindi nagpatinag si Tanaka hanggang tamaan ang Japanese boxer ng solidong kanan na muntikan na nitong ikabagsak.


Sa kagustuhang makaganti ay umatake si Tanaka sa huling bahagi ng 3rd round subalit sinasalubong siya ni Paalam ng mga suntok sa mukha.


Sa wakas ay idineklarang panalo si Paalam sa pamamagitan ng unanimous decision.

Sa kasalukuyang ay may isang gintong medalya at isang silver medal ang Pilipinas sa Tokyo Olympics at nasa ika-49 puwesto sa medal tally.

Ang reaksyon ni Carlo Paalam nang marinig ang unanimous decision win niya laban sa Japanese boxer.

Please follow and like us: