Carmona, Cavite Hall of Justice isinailalim sa lockdown dahil sa kaso ng Covid-19
Inilagay sa lockdown ang Carmona, Cavite Hall of Justice dahil sa kumpirmadong kaso ng Covid-19.
Sa memorandum na pirmado ni Executive Judge Niven Canlapan, sinabi na nagpositibo sa virus ang isang outgoing employee ng Carmona Municipal Trial Court na noong Biyernes ay nasa bisinidad ng Hall of Justice.
Dahil dito, ipinagutos ng hukom na isara pansamantala hanggang sa October 7 ang Hall of Justice.
Pero, mananatiling sarado hanggang sa October 16 ang MTC.
Inatasan din ang lahat ng empleyado ng Carmona MTC na sumailalim sa 14-day home quarantine at magsagawa ng contact tracing.
Ipinagutos din ang mga close contacts ng nasabing kawani na magpa-swab test at agad ireport ang resulta nito.
Inabisuhan ang publiko na kontakin sa kanilang email addresses at hotlines ang RTC, MTC, Office of the Public Prosecutor, at Public Attorney’s Office Carmona Satellite Offices habang sarado ang Hall of Justice.
Moira Encina