Carpal tunnel syndrome, hindi dapat ipagwalang-bahala upang hindi humantong sa malalang kundisyon
Maraming mga kababayan natin ang nakakaranas ng Carpal Tunnel syndrome ngunit ang nakalulungkot, hindi alam na Carpal tunnel na pala ang kanilang nararanasan kaya ito ay kanilang ipinagwawalang-bahala.
Ayon kay Dr. Rylan Flores, Orthopedic surgeon, ang naaapektuhan nito ay ang pulso o wrist.
Kabilanga niya sa mga sintomas nito ay pamamanhid at pamamaga ng mga daliri.
Dr. Rylan Flores, Orthopedic Surgeon, DSMC
Well, Carpal tunnel syndrome ang apekto nyan yung wrist po natin. So yan, kailangang maipahinga natin ng husto at iyan kadalasan nakukuha dahilsa pagkilos at paggalaw ng kamay yan yung pagko-computer at pagsusulat. Pero lahat ng gawaing bahay, paglaba, pagluto at lahat, naaapektuhan nyan. So, ipahinga lang mabuti, kung kinakailangan, pwede nyong ibabad sa mainit-init na tubig. Mga 20 minuto, dalawang beses sa maghapon. Pero kung matindi na yan, ipatingin na ninyo kasi pwedeng mamanhid, pwedeng manghina, pwedeng maka-apekto sa kilos at galaw”.
Ulat ni Belle Surara
=== end ===