Cash assistance , ipapamahagi sa may 10.8 milyong mahihirap na pamilya sa Metro manila
Inaprubahan ni Pangulong Duterte ang pondo para sa panibagong ayuda sa may walumpung porsyento ng mga mahihirap na pamilya sa Metro manila na maapektuhan ng ipatutupad na enhance community quarantine.
Ayon kay Senator Christopher Bong Go , isang libong piso kada tao o maximum na apat na libo ang matatanggap ng bawat isang pamilya.
Sinabi ng Senador na ang cash assistance ay ipapamahagi sa may 10.8 milyong mahihirap o 80 percent ng 13 million na populasyon sa Metro manila.
Nagpapasalamat ako kay Pangulong Rodrigo Duterte sa pagtugon sa ating apela na magbigay ng ayuda sa mga pinakamahihirap na maaapektuhan ng ECQ sa NCR simula Agosto 6 hanggang 20.
Direkta Aniya itong ida download sa mga local government unit.
Kaya ang pakiusap ng Senador, ibigay ito sa mga tamang benipisyaryo para tulungan ang mga mahihirap at hindi mauwi sa katiwalian.
Meanne Corvera