Cash remittances mula sa overseas Pinoys, pumalo sa US$11.68 billion sa Q1 ng 2023 – BSP
Tumaas ang mga ipinadalang pera ng mga Pilipino mula sa abroad sa unang apat na buwan ng 2023.
Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), umabot sa US$11.68 billion ang cumulative remittances ng OFWs mula Enero hanggang Abril ngayong taon.
Mas mataas ito ng 3.2% sa naitalang remittances sa kaparehong mga buwan noong 2022 na US$11.32 billion.
Samantala, tumaas naman ng 3.8% ang personal remittances mula sa overseas Filipinos noong Abril na US$2.77 billion.
Sa personal remittances, ang cash remittances na ipinadala sa pamamagitan ng mga bangko ay umabot sa US$2.48 billion noong Abril.
Sa year-to-date basis, ang cash remittances ay umabot naman sa US$10.49 billion.
Sinabi ng BSP na ang U.S. ang nakapagtala ng pinakamataas na share sa overall remittances sa unang apat na buwan ng 2023.
Sumunod naman ang Singapore, Saudi Arabia, at Japan.
Moira Encina