Cash servicing initiative ng BSP, nanalo ng international award
Nanalo bilang “Best Currency Initiative Implemented in Response to the COVID-19 Pandemic” sa Central Banks Category ang cash servicing initiative ng Bangko Sentral ng Pilipinas.
Ang gawad sa BSP ay ibinigay ng International Association of Currency Affairs (IACA) sa 2021 Excellence in Currency Awards.
Ang nanalong inisyatiba na Cash Service Alliance (CSA) ay partnership ng BSP sa Bankers Association of the Philippines upang matiyak na hindi maaantala at strategic ang cash servicing operations sa bansa sa panahon ng pandemya.
Sinabi ng BSP na napagbuti ang efficiency ng cash servicing sa publiko sa pamamagitan ng CSA dahil pinahintulutan nito ang direct exchange ng fit currency sa pagitan ng mga bangko sa harap ng mga hamon sa transportasyon ng mga salapi sa panahon ng lockdowns.
Batay sa datos ng BSP para sa unang semester ng 2021, mahigit 30% ng fit currency requirements ng mga bangko sa NCR ay na-source na mula sa CSA.
Naobserbahan din ng mga bangko na nabawasan ang pagbiyahe papunta at pabalik mula sa BSP at ang savings sa service fees dahil sa CSA.
Moira Encina