Catanuan, Quezon, Saranggani at Lanao del Sur, niyanig ng lindol

Niyanig ng magnitude 3.4 na lindol ang bayan ng Catanauan sa Quezon.

Naitala ang lindol sa 11 kilometers South ng Catanauan, alas 4:24 ng umaga.

Ayon sa Phivolcs, tectonic ang origin ng lindol at may lalim lang na 3 kilometro.

Samantala, niyanig naman ng magnitude 3.2 na lindol ang bayan ng Bagamanoc, Catanduanes.

Naitala naman ang lindol sa 48 kilometers North ng Bagamonoc alas 3:27 ng umaga.

8 kilometers ang lalim ng lindol at tectonic din ang origin.

Kapwa hindi naman inaasahang magdudulot ng pinsala at aftershocks ang dalawang lindol.

Samantala, niyanigdin ng magnitude 3.5 na lindol ang bayan ng Bumbaran sa Lanao del Sur.

Naitala ang lindol sa 13 kilometers south ng Bumbaran alas 7:37 ng umaga ng Miyerkules, June 20.

May lalim lang na 5 kilometers ang lindol at tectonic ang origin.

Ayon sa Phivolcs, hindi naman ito inaasahang magdudulot ng pinsala at aftershocks.

3.1magnitude na lindol naman ang yumanig sa bayan ng Sarangani sa Davao Occidental.

Naitala ang lindol sa 81 kilometers South ng Sarangani alas 8:48 ng umaga.

May lalim na 52 kilometers ang lindol at tectonic ang origin.

 

===============

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *