Cavite Gov. Jonvic Remulla humingi ng paumanhin sa publiko
Humingi ng paumanhin sa publiko si Cavite Governor Jonvic Remulla.
ito ay matapos na payagan nito ang mga bata na edad sampu pataas na makapunta sa mga mall basta kasama ang mga magulang nito, pero ngayong araw binawi na ito ng gobernador.
“First of all, allow me to sincerely apologize as I take full responsibility for my announcement of the new mall policy last Dec 2 &3.”
“I was wrong to be too enthusiastic in the resumption of personal freedom for the people of Cavite. I take full responsibility and I apologize.” pahayag ni Cavite Gov. Jonvic Remulla.
Ito ay matapos na mabasa agad ni remulla sa mga pahayagan na pumayag na ang IATF na papasukin sa mall ang mga menor de edad na 15 pababa ay mabilis namang gumawa ng patakaran gobernador para dito.
Subalit Wala pa palang malinaw na patakaran ukol sa mga menor de edad na makapasok sa mall, ayon kay DILG Sec. Año.
Ayon sa gobernador, nais lamang nito na mabigyan ng kasiyahan ang mga kabataan na matagal ding nakulong sa mga tahanan.
Sinabi pa ni remulla na gusto rin sana nitong maramdaman ng mga kabatan ang kaunting saya at makapasyal man lamang ngayong ngayong holiday season.
Sa bagong derektiba ni Governor Remulla, itinaas na nito sa 15 anyos ang papayagang makapunta sa mga mall basta kasama pa rin ang kanilangga magulang.
Nanatili pa rin ang mga naunang patakarang binanggit ng gobernador na ukol sa mall at curfew hour.
“Kahit bumaba na ang COVID rates sa lalawigan ay kailangan pa ring makiisa tayo sa pamahalaang pang-nasyonal.”
Ulat ni Jet Hilario