Cavite Gov. Jonvic Remulla, nanawagan sa publiko na suportahan ang Vaccination Program ng Pamahalaan
Hinikayat ni Cavite Governor Jonvic Remulla ang mga taga Cavite na suportahan ang programang pagbabakuna ng pamahalan.
Ayon sa gobernador, 63% ng mga Pilipino ang “hesitant” o nagdadalawang isip sa pagpapabakuna dahil sa mga kuro kuro at iba’t-ibang opinyon na nakikita at nababasa sa social media.
Ayon pa kay Remulla, ilan din sa mga kumakalat na impormasyon ukol sa bakuna ay may secret microchip umano na itatanim ang gobyerno; baka daw maging ZOMBIE ang sino mang magpapa-bakuna, at may mga nagsasabi pang ito na raw ang simula ng katapusan ng mundo.
Sa kabila nito, patuloy pa ding hinihimok ng opisyal ang mamamayan at ipinaliliwanag ang kagalagahan ng pagbabakuna laban sa Covid 19.
Sinabi pa ng gobernador na napatunayan na sa maraming panahon na naging epektibo ang bakuna para pigilan ang pandemiya at ang pagkalat ng virus.
Binanggit pa ng gobernador na sa panahon ngayon na kailangan ang pagkakaisa, pagtutulungan para maging malaya ang bawat isa sa nakamamatay na virus.