Cavite, isinailalim sa State of Calamity dahil sa pananalasa ng bagyong Maring

Nagdeklara na ng State of Calamity sa Cavite bunsod ng napakalawak na epekto ng bagyong Maring sa halos buong lalawigan.

Sa panayam ng DZEC Radyo Agila kay Cavite Governor Jesus Crispin “Boying” Remulla dahil sa matinding pag-ulan ay tila nagkaroon ng Liquefaction effect sa kalupaan ng kanilang probinsiya.

Sa bayan pa lamang aniya ng Silang ay anim na tulay na ang bumigay dahil sa tuluy-tuloy na pag-ulan.

Kaya bukod sa agricultural damage, malaki rin ang naging epekto ng bagyo sa kanilang mga istruktura na patuloy pa nilang ina-assess.

Parang liquefaction ho kasi, parang lumambot ang lupa dahil sa dami ng tubig na in-absorb ng soil at yung mga tulay ay humina na ang kanilang mga pundasyon kasi mga luma na rin sila eh at hindi naman sila idinisento para daanan ng malalaking sasakyan gaya ng mga trak na kung saan-san na dumadaan kaya malamang ang mga pundasyon ng mga tulay may tama na”- Cavite Governor Boying Remulla

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *