CAVITEX Parañaque Toll Plaza, magpapatupad ng dagdag singil
Magpapatupad na rin ng dagdag singil sa kanilang toll rates ang Manila-Cavite Toll Expressway (CAVITEX) Parañaque Toll Plaza.
Una nang nagpatupad ng taas-singil ang North Luzon Expressway (NLEX).
Paliwanag ng CAVITEX, ito ay matapos aprubahan ng Toll Regulatory Board ang 2011 at 2014 contractual tariff adjustments toll petitions ng CIC at PRA, maging ang kanilang add-on toll petition para sa enhancement works ng Phase 1 at 2 na ginawa sa CAVITEX R-1 Expressway na nakumpleto noong 2020.
Batay sa bagong toll fee matrix, ang Class 1 vehicles ay magbabayad ng P33.00, P67.00 naman ang babayaran ng Class 2 vehicles, at P100.00 ang Class 3 vehicles.
Ayon sa CAVITEX . . . “To help public utility vehicle (PUV) operators and drivers cope with the change, CIC and JV partner PRA will be providing them toll rate reprieve through a rebate program that will allow them to continue enjoying the old rates for the next three months.”
Magkakabisa ang toll fee adjusment sa Huwebes, Mayo 12, 2022.