CCMSF, handang-handa na sa pilot implementation ng face-to-face classes

Photo: DepEd Philippines FB

Handang-handa na ang Clarencio Calagos Memorial School of Fisheries (CCMSF) ng Samar Division sa isasagawang pilot implementation ng face-to-face classes (F2F).

Photo: DepEd Philippines FB

Sa isinagawang validation ng Regional Coordinating Team noong November 4, 2021 ay ipinakita ng mga guro at local stakeholders ng CCMSF ang kanilang kahandaan sa nalalapit na pagsisimula ng limited F2F classes para sa 50 mag-aaral ng Senior High School Technical-Vocational-Livelihood Track (SHS-TVL).

Photo: DepEd Philippines FB

Kabilang sa mga lalahok ay ang mga piling mag-aaral ng SHS-TVL strands na Cookery (Grade 12), Electrical Installation (Grade 12), Bread & Pastries (Grade 11 & 12), at Computer Systems Services (Grade 12).

Photo: DepEd Philippines FB

Ipinahayag ng lokal na pamahalaan at ng iba pang sektor ang kanilang suporta sa paglahok ng CCMSF sa limited F2F classes.

Photo: DepEd Philippines FB

Ang paaralan ay tumatanggap ng 25,000 hygiene at sanitation kits mula sa City Savings Bank at School in a Bag kits mula sa UNICEF.

Ito ay dagdag sa pinansiyal at teknikal na suporta ng central, region, at division offices na inilaan para sa mga paaralan na kasali sa nasabing pilot implementation.

Please follow and like us: