Cebu Cordova link expressway, pinasinayaan ni Pangulong Duterte
Pinasinayaan ni Pangulong Duterte kasama si Senador Bong Go ang Cebu Cordova link expressway na maituturing na iconic landmark sa Cebu.
Ang 8.9 kilometer road ang magkokonekta sa mainland Cebu sa Mactan island na dadaan sa bayan ng Cordova.
Sa kaniyang talumpati, sinabi ng Pangulo na aabot sa limampung libong mga sasakyan ang inaasahang dadaan dito kada araw.
Bukod sa makakatulong ito para madecongest ang siyudad maari nitong pabilisin ang Regional Development at ekonomiya ng Cebu.
Nagpasalamat ang Pangulo sa mga pribadong sektor at lokal na opisyal ng Cebu dahil sa pagtatapos ng panibagong proyekto sa ilalim ng build build build program na makakatulong sa mas maraming mga Pilipino.
Hinimok ng Pangulo ang susunod na administrasyon na ipagpatuloy ang mga nasimulan ng Duterte administration lalo na ang mga riles na magkokonekta sa mga probinsya patungong Metro manila.
Meanne Corvera