Cervical cancer awareness month ginugunita ngayong Mayo
Muling binigyang diin ng Department of Health ang kahalagahan ng pagbabakuna laban sa Human Papilloma Virus o HPV.
Kaugnay ito ng paggunita ngayong buwan ng Cervical Cancer awareness month.
Ang HPV ay isa pinakalaganap na sexually transmitted disease sa mundo sa kasalukuyan.
Maraming uri ng HPV ngunit ang ilan sa pinakaiiwasan ay ang pagkakaroon ng HPVna sanhi ng genital warrs o kulugo na maaaring humantong sa ibat’ibang uri ng cancer.
Samantala, sinabi naman ni Dra. Maricar Limpi ng Philippine College of Physicians at Philippine College of Chest Physicians noong nakalipas na taon ay ikinampanya ng DOH ang pagpapabakuna laban sa cervical cancer sa mga batang babae na edad siyam .
Ayon kay Limpin, ang HPVvaccines ay walang benepisyo sa public health dahil hanggang ngayon ay mataas pa rin ang kaso ng cervical cancer sa Pilipinas.
Kabilang sa mga napansing adverse events ng nasabing bakuna ay multiple Sclerosis at Encephalitis.
Ulat ni: Anabelle Surara