Cervical Cancer Free Philippines posible, ayon sa health advocates
“Laban para sa kababaihan, proteksyon sa kinabukasan”, ito ang battle cry noon pa man na binibigyan diin ng Department of Health para sa lahat ng mga kababaihan sa bansa kaugnay ng sakit na cervical cancer.
Patuloy na hinihikayat ng DOH ang mga magulang at guardians ng mga batang babae na ang edad ay 9 hanggang 10 taong gulang na dalhin sila sa health centers upang magpabakuna laban sa Human Papilloma Virus o HPV upang maiwasan na madapuan ng cervical related diseases sa hinaharap.
Ayon sa DOH, ang pagbabakuna ang pinaka epektibong paraan para makaiwas sa ilang sakit na dala ng HPV, at ito ay mabisang ibigay bago makaranas ng pagtatalik.
Tulad ng ibang bakuna, ang bakuna laban sa HPV ay ibinibigay upang mapalakas ang resistensya laban sa mga virus na dala nito.
Samantala, sa nakalipas na HPV summit, tinalakay na mga cervical cancer advocates at pinangunahan ng cervical cancer prevention program sa Pilipinas, na ang Pilipinas ay maaaring maging cervical cancer free kung magagawa at matatamo lamang ang Comprehensive Cervical Cancer Prevention and control sa bansa.
Batay sa datos, labing dalawang Pilipina ang namamatay kada araw sanhi ng cervical cancer, at dahil wala pang tukoy na gamot laban sa HPV, payo ng DOH, magpabakuna bago pa man ma exposed sa virus na ito.
Ulat ni: Anabelle Surara