Chacha patay na sa Senado kahit pa aprubado sa Kamara ang voting separately
Kinumpirma ni Senador Panfilo Lacson na patay na ang panukalang Charter Change sa Senado.
Ito’y kahit pumabor ang Kamara sa voting separately ng Senate at Lower House para umusad ang Chacha at baguhin ang sistema ng gobyerno patungong Federalismo.
Nauna nang sinabi ni House Speaker Gloria Arroyo na bubuo sila ng Committee on constitutional amendments at dun sila magsisimula sa planong amyenda.
Pero sinabi ni Lacson na solido ang mga Senador sa desisyon na huwag pumasok sa trap ng mga Kongresista sa pamamagitan ng Joint session.
Hindi rin aniya nila sinusuportahan kahit ang gamiting proseso ay Constitutional Convention lalu’t kwestyonable ang biglaang pagpapalit. House leadership.
Hanggang ngayon hindi pa aniya malinaw ang dahilan bakit pinalitan ang House Speaker na itinaon pa sa mismong araw ng SONA ng Pangulo.
Sa ngayon, nakapending pa sa Committee on Constitutional Amendemnts na pinamumunuan ni Senador Francis Pangilinan ang Committee report sa panukalang Federal Constitution na isinusulong ng Duterte administration.
Ulat ni Meanne Corvera