Charlie ‘Atong’Ang humarap sa imbestigasyon ng Senado sa mga nawawalang ” sabungero “
Sumipot na sa ikalawang pagdinig ng Senado sa isyu ng nawawalang mga sabungero ang gaming tycoon na si Charlie Atong Ang.
Si Ang ang Vice president ng Lucky 8 star quest inc na nag- ooperate sa Manila arena at dalawa pang sabungan kung saan nawala ang ilang sabungero.
Sa pagdinig, itinanggi niya ang paratang hinggil sa pagkawala ng mga sabungero.
Inireklamo rin nito ang umano”y trial by publicity laban sa kanyang E sabong company.
Hinala niya nagsasabwatan umano ang iba pang E sabong operators para idiin siya sa pagkawala ng tatlumput apat na sabungero.
ilang personalidad ang pinangalanan niyang nag- ooperate rin umano ng E sabong kabilang na sina
1. Bong Pineda
2. Cong. Teves
3. Ex-Cong. Patrick Antonio
4. Mayor Elan Nagaño
5. General cascolan na dating pinuno ng PNP
Pero nang hingan ng detalye sa sinasabi nitong conspiracy, humiling si Ang ng executive session dahil na pinagbigyan ng Chairman ng komite.
Wala pang pahayag ang mga tinukoy na pangalan ni Ang.
Kinumpirma ng PNP na natukoy na ang anim sa labing apat na security guard sa Manila arena na itinuturo ng kanilang testigo na nasa likod ng pagdukot sa mga sabungero.
Pero hindi pa raw nila natutukoy ang mastermind.
Humarap sa pagdinig ang ilang security personnel pero wala raw alam sa pagkawala ng mga sabungero.
Nakasaad raw kasi sa kanilang logbook ang entry at exit ng mga sabungero .
Meanne Corvera