Charter Change lalong lumalabo ang tyansa dahil sa term extension
Lalo umanong pinalalabo ni Taguig Congressman Alan Peter Cayetano ang tsansa na mailusot ang Charter Change o Chacha.
Ayon kay Senador Panfilo “Ping” Lacson dahil ito sa pagbabanta ni Cayetano na paiksiin sa tatlong taon ang kasalukuyang anim na taong termino ng mga Senador.
Malabo na aniyang makumbinsi ang mga Senador na pumayag sa Chacha dahil sa ganitong mga banta.
Bukod dito, masyado pang malayo sa poder si Cayetano para gumawa ng ganitong hakbang.
Nauna na ring kinontra nina Senate President Tito Sotto at Senador Koko Pimentel ang banta ni Cayetano at iginiit na paano mababago ni Cayetano ang termino ng mga Senador na itinakda ng Konstitusyon na anim na taon at may isang re-election.
Nagpaalala rin si Pimentel na batay sa Saligang Batas, kailangan munang aprubahan ng Senado ang anumang chacha bago mangyari ang gusto ni Cayetano.
Ulat ni Meanne Corvera