Checkpoints sa entry at exit points sa Nueva Ecija, pinalawig hanggang August 31
Pinalawig pa hanggang sa Agosto 31 ang inilatag na checkpoints sa entry at exit points sa Nueva Ecija, bunsod pa rin ng patuloy na pagdami ng kaso ng Covid-19 sa lalawigan at sa mga karatig na probinsiya.
Magugunita na kasabay sa implementasyon ng ECQ o Enhance Community Quarantine sa NCR, ay idineklara naman ng pamahalaang panlalawigan ng Nueva Ecija sa pangunguna ni Gov. Aurelio M. Umali, ang paghihigpit sa mga checkpoint sa labing isang (11) borders ng Lalawigan.
Kabilang dito ang mga bayan ng Gapan, Cabiao, Zaragoza, Aliaga, Licab, Guimba, Cuyapo, Carranglan, Pantabangan, Bongabon, at Gabaldon.
Ang Ilan sa mga maaaring iprisinta ng mga papasok sa Nueva Ecija ay ang :
Negative Antigen result, saliva, at RT-PCR Test,
APOR (Authorized Persons Outside of Residence) na inisyu ng IATF, IATF Issued Border Pass, at COVID-19 Vaccination Card.
Relaine Azarcon