CHED, magsasagawa ng pagrepaso sa rules na ipinatutupad sa field trips

devera

Panahon na para magsagawa ang Commission on Higher Education o CHED ng pagrebyu sa mga panuntunan nito sa mga field trip o educational tour ng mga paaralan matapos ang malagim na aksidente sa Tanay, Rizal .

Sa panayam ng Agila Balita , sinabi ni CHED Commissioner Prospero de Vera , tinitingnan nila kung mayroon naging paglabag sa mga regulasyon ang Bestlink College  kaya nagpalabas sila ng moratorium

Giit ni de Vera dapat may alternative na activity sakaling may estudyante na hindi makakasama sa field trip at dapat ay konektado ito sa kurso o sa subject ng estudyante.

Hindi rin aniya dapat pinipilit ang estudyante lalo na kung wala itong kakayahang magbayad o kaya ay hindi pinahintulutang sumama ng magulang.

 “Kasi kaya kami naglabas ng moratorium ..unang una gusto naming malaman kung ano ba talaga ang nangyari sa Tanay kung mayroon bang pagkukulang kung mayroon bang hindi nagawa kailangan ba ng ibang regulasyon para marevise namin ang EO 17 yun ang una …at ngayon dito sa panahon ngayon titingnan din namin yung ibang mga out of school activities kung ito bay mayroon ding safety aspect “.- de Vera

 

Please follow and like us: