CHED, pinagpapaliwanag sa ghost scholars
Pinagpapaliwanag ni Senador Risa Hontiveros ang Commission on Higher Education sa mga umano’y ghost scholar nito.
Sa budget hearing para sa hinihinging pondo ng State Colleges and Universities, sinabi ni Hontiveros na nakatanggap sila ng reklamo mula sa may apatnaraang mga estudyante na hanggang ngayon ay hindi pa nakatatanggap ng Education subsidy sa ilalim ng scholarship program ng Universal Access to Quality Tertiary Education Act.
May isang bilyong piso aniyang pondo para dito pero aabot na sa tatlong taon ang backlog para sa pagpapalabas ng Education assistance.
Nais ng Senador na paimbestigahan ang CHED dahil sa paglalabas ng tinatayang pitong bilyong kwestyonableng assistance.
Kwestyon niya bakit marami pa ring nagrereklamong mga estudyante kung naglalabas pala ng pondo ang CHED.
Maraming mga magulang aniya ang humihingi ng tulong para mapag- aral ang kanilang mga anak kaya dapat tiyakin na ang pondong inilalaan ng Kongreso ay totoong napupunta sa tamang benificiaries.
Meanne Corvera