Chengdu Research Base, nananatiling paboritong destinasyon sa China

Itinuturing pa ring busy road ang North Panda Avenue sa Chengdu, Sichuan province sa China lalu na tuwing weekends dahil sa patuloy na pagdagsa at pagbisita ng mga turistang nais makita ang mga cute at giant Panda sa Chengdu Research base.

Nananatiling paboritong destinasyon at pasyalan ng mga Chinese at iba pang mga foreign tourists ang 70-hectare research base na itinayo pa noong 1987 at matatagpuan doon ang mga endangered wildlife partikular ang mga Giant at Red Pandas.

Ang Chengdu panda base ay kumpleto sa mga paislidad gaya ng Fodder room, Medical station, Breeding area, Delivery room, Research laboratories, Training center, at mararangyang Villa residences para sa mga Giant Pandas.

Sa kasalukuyan, aabot sa isandaan at walumpu’t tatlong (183) mga giant at red pandas ang kinakalinga ng Chengdu panda base.

 

Aabot naman sa 5 libo ang populasyon ng mga Red Panda sa buong mundo habang ang mga Giant white panda ay aabot sa 2 libo ang populasyon. Ang 80 porsyento ng mga ito ay naninirahan sa mga kabundukan ng Sichuan province na may 20 degree Celsius pababa ang temperatura.

Ang Chengdu Panda base ay sumailalim sa evaluation ng World Natural heritage ng World Tourism organization noong 1998 at inihahanay bilang isa sa “4-A Tourism Attraction in the world”.

Kinilala rin ng World Wildlife Fund o WWF ang pagsisikap ng Chinese government na mapreserba at mapangalagaan ang populasyon ng mga Panda.

Ito rin ang dahilan kung bakit Panda ang logo na ginagamit ng WWF simula pa noong 1961.

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *