Chief Justice Alexander Gesmundo haharap sa media sa unang pagkakataon sa Hunyo 11 mula nang maitalaga sa puwesto
Kasabay ng pagdiriwang sa ika-120 anibersaryo ng Korte Suprema ay haharap si Chief Justice Alexander Gesmundo sa media sa isang online event sa Biyernes, Hunyo 11.
Ito ang unang pagkakataon na makakausap at makakaharap ni Gesmundo ang mga mamamahayag na nakatalaga sa judiciary beat mula nang ito ay maitalaga bilang punong mahistrado.
Sa abiso ng Supreme Court Public Information Office, sinabi na gaganapin mula 11:00 ng umaga hanggang 12:00 ng tanghali ang online discussion na may pamagat na “SC in FOCUS: Towards a Technology-Driven Judiciary.”
Bukas lamang sa mga miyembro ng Justice and Court Reporters Association (JUCRA) at Justice Reporters Organization (JUROR) ang question-and-answer portion ng aktibidad.
Maaari naman na mapanood ang live streaming ng online activity sa official Youtube channel ng SC PIO.
Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si Gesmundo bilang punong mahistrado noong Abril kapalit ni dating Chief Justice Diosdado Peralta na maagang nagretiro sa posisyon.
Moira Encina