Chief Justice Diosdado Peralta ginawaran ng Doctor of Laws, Honorary degree ng TSU
Ginawaran ng Tarlac State University (TSU) si Chief Justice Diosdado Peralta ng Doctor of Laws, Honoris Causa.
Sa conferment ceremony, inihayag ni Legal Education Board Chairperson Zenaida Elepaño na unanimous ang kanilang pag-apruba sa aplikasyon ng TSU na gawaran ng honorary doctorate degree si Peralta dahil sa taglay nito ang lahat ng kwalipikasyon.
Ang conferment anya ng Doctor of Laws, honorary degree kay Peralta ay bilang pagkilala sa mga kontribusyon at accomplishment nito sa larangan ng batas, hustisya, governance, public service, at pamumuno.
Ang Doctor of Laws honorary degree ay iginagawad sa mga public servants at abogado na nakapag-ambag sa Rule of Law, Leadership, at pandaigdig na kamalayan.
Pinasalamatan naman ni Peralta ang pamantasan at sinabing buong kababaang-loob niya tinatanggap ang pagkilala sa kanyang dedikasyon at passion sa kanyang trabaho sa hudikatura.
Tiniyak ng punong mahistrado na patuloy niyang sisikapin na makapag-ambag sa Rule of Law, pamumuno, at international understanding.
Si Peralta ay nakatakdang magretiro bilang Chief Justice sa Marso 27.
Moira Encina