Chief Justice Diosdado Peralta, ipinag-utos sa Korte ang mahigpit na pagbabawal sa paggamit ng mga cellphone at iba pang gadget sa mga pagdinig sa Korte
Mahigpit nang ipagbabawal ang paggamit ng mga cellphone at iba pang Electronic gadget kapag may pagdinig ang mga Korte.
Sa Memorandum Circular no. 74-2019 na may lagda ni Chief Justice Diosdado Peralta, iniutos ang istriktong pagbabawal sa paggamit ng mga cellphones o smartphones at maging sa iba pang Electronic communication device na wala namang kaugnayan sa isinasagawang paglilitis o Court proceedings.
Ayon kay Peralta, layon nito na mapanatili ang maayos na pagdinig ng mga hukuman.
Ipinag-utos din ng Punong Mahistrado sa lahat ng mababang Korte na mahigpit na sumunod sa lahat ng panuntunan sa session hours at hearing dates at sa prescribed periods sa pagresolba sa mga kaso.
Ang mga nasabing kautusan ay alinsunod sa 10-point program ni Peralta bilang Chief Justice.
Ulat ni Moira Encina