Chief Justice Diosdado Peralta, nire-organisa ang Raffle committees ng Korte Suprema
Iniutos ni Chief Justice Diosdado Peralta ang balasahan sa raffle committee ng Korte Suprema.
Sa Special Order number 2723 ni Peralta, itinalaga nito si Justice Estela Perlas- Bernabe bilang chairperson sa mga En Banc cases kasama sina Justices Alfredo Benjamin Caguioa at Alexander Gesmundo bilang miyembro.
Ang mga En Banc cases ay may kaugnayan sa malalaking kaso at sa mga Constitutional issues.
Para sa mga division cases, ang Raffle committee ay pamumunuan ni Justice Marvic Leonen habang miyembro naman sina Justices Andres Reyes Jr. at Jose Reyes Jr.
Ang mga division cases naman ay mga kaso na mula sa mga Court of Appeals, Court of Tax Appeals at Sandiganbayan.
Ulat ni Moira Encina