Chief Justice Gesmundo nanawagan sa IBP na ibigay ang buong suporta nito sa Korte Suprema
Ipinaalala ni Chief Justice Alexander Gesmundo sa mga liderato at miyembro ng Integrated Bar of the Philippines (IBP) ang kanilang gampanin na suportahan ang Korte Suprema sa lahat ng mga programa nito.
Sa kanyang talumpati sa panunumpa ng mga bagong opisyal ng IBP, sinabi ni Gesmundo na bilang vanguards ng legal system ay dapat makita ang suporta ng IBP sa mga programa ng Supreme Court para makamtan ang buong pagsunod sa rule of law sa bansa.
Ayon kay Gesmundo, ito na ang pinakamabuting panahon para ibigay ng IBP ang buong suporta nito sa hudikatura dahil sa mga hamon na hinaharap ng Korte Suprema.
Aniya walang tigil ang SC sa paghanap ng mga solusyon sa mga problema sa judicial system pero kailangan nito nang walang humpay na suporta ng lahat ng nasa hudikatura at mga miyembro ng bench at bar.
Kaugnay nito, iminungkahi ng punong mahistrado na maaaring panahon na para i-refocus ng IBP ang adbokasiya nito at sa pamamagitan ng social media at iba pang platforms ay tumulong para maibalik ang pagtitiwala ng publiko sa judicial system.
Ito ay sa paraang paunlarin at pataasin aniya ng IBP ang kaalaman at kamalayan ng publiko sa legal processes.
Moira Encina