Chief Justice Lucas Bersamin, pinanumpa ang mga bagong opisyal ng Justice reporters group
May paalala si Chief Justice Lucas Bersamin sa mga mamamahayag na nagku-cover sa justice at judiciary beat sa bansa.
Sa kanyang maikling mensahe sa oath taking ng mga bagong opisyal ng Justice Reporters Organization o JUROR, inihayag ni Bersamin na ang totoong obligasyon ng isang mamamahayag ay sa taumbayan at hindi kung kaninuman.
Bagamat may mga kanya- kanyang news organization at employers ang mga reporters ang mga ito anya ay tumatayo para sa iilang dahilan gaya ng pagpapasweldo sa mga ito.
Tinukoy ng Punong Mahistrado na ang tunay na misyon ng mga mamamahayag ay ang dapat na maging gabay para solusyunan ang mga problema sa bansa.
Si Bersamin ang panauhing pandangal sa oath taking ceremony ng JUROR at nagpanumpa sa mga bagong opisyal ng organisasyon.
Dinaluhan din ang seremonya nina dating Chief Justice Teresita De Castro, Justice Secretary Menardo Guevarra, PAO Chief Persida Acosta, Court Administrator Jose Midas Marquez, mga dati at incumbent na mahistrado ng Korte Suprema at Court of Appeals, dating Ombudsman Merceditas Gutierrez, dating Comelec Commissioner Lucenito Tagle Justice, mga opisyal ng DOJ, SC at JBC, ilang hukom at piskal at mga kapwa mamamahayag.
Ang JUROR ay binuo ni Atty. Bert Castro ng Manila Chronicle matapos ang 1986 EDSA People Power.
Ito ay ipinarehistro naman sa Securities and Exchange Commission noong 2000 ni Jomar Canlas ng The Manila Times na siyang nagsilbi bilang founding president ng JUROR.
Ang mga bagong halal na JUROR officers ay sina:
President Bert Mozo (DWIZ)
Vice President Boy Gonzales (DZRH)
Secretary Moira Encina (DZEC)
Treasurer Jun Samson (DZAR)
Auditor Johnson Manabat (DZMM)
Chairman of the Board: Dexter Ganibe (DZMM)
Board of Directors:
Jerald Ulep (Bombo Radyo)
Joyce Collantes (DZXL)
Julius Gonzales (DZRB)
Lorenz Tanjoco (DZRB)
Mark Makalalad (DZBB)
Virgil Lopez (GMA News Online)
Sam Nielsen (DZBB)
Ricky Brozas (DZIQ)
Carlo Mateo (DZBB)
Chief Justice Lucas Bersamin:
Advisers naman ng grupo sina Jomar Canlas ( Manila Times), Cecille Villarosa (GMA 7) at Ina Reformina ( ABS-CBN)
Chief Justice Lucas Bersamin:
“There is relative truth, there is fake truth, but please bear in mind always that whatever you write or you state in your programs or in your journalistic exercises, you will always be mindful that your obligation is to the people and to the people alone. Your respective organizations, your employers, are there only for a reason — to make your profession pay for your daily subsistence, but your mission should be the one that should guide you through all the problems”.
Ulat ni Moira Encina