Chief Justice on-leave Maria Lourdes Sereno dadalo sa oral argument ng Korte Suprema kaugnay sa Quo Warranto petition laban sa kanya sa April 10

Dadalo si Chief Justice on-leave Maria Lourdes Sereno sa Oral arguments ng Korte Suprema sa April 10 kaugnay sa inihaing quo warranto petition laban sa kanya ng Office of the Solicitor General.

Sinabi ni Atty. Jojo Lacanilao, isa sa mga tagapagsalita ni Sereno, ilalahad ni Sereno ang kanyang panig sa quo warranto petition at sasagutin ang mga tanong ng mga kasamahan niyang Mahistrado.

Pero nanindigan si Lacanilao na tanging sa pamamagitan lamang ng impeachment maaring patalsikin ang punong mahistrado.

Naniniwala ang kampo ni Sereno na nagkamali si Solicitor General Jose Calida sa paghahain nito ng Quo warranto petition.

Umaasa si Lacanilao na hindi makikitaan ng Korte Suprema ng merito ang Quo warranto case laban kay Sereno.

Layunin ng Quo warranto na ipawalang -bisa ang appointment ni Sereno bilang Chief Justice.

Pinaboran ng Supreme Court en banc ang mosyon ni Sereno na magdaos ng oral arguments pero dapat ay personal itong humarap at sagutin ang mga tanong sa kanya ng mg kapwa mahistrado.

 

Ulat ni Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *