Chile, niyanig ng magnitude 7.1 na lindol

Niyanig ng magnitude 7.1 na lindol ang Central Chile.

Ayon sa US Geological Survey, tumama ang sentro ng lindol sa lungsod ng Valparaiso na may lalim na 9.8 kilometers.

Agad na pinalikas ang mga residente malapit sa karagatan dahil na rin sa panganib ng tsunami matapos ang pagyanig.

Ang Chile ay nasa ibabaw ng tinatawag  na Pacific “Ring of Fire” na madalas ang nararamdamang pagyanig.

Noong Setyembre 2015 ay niyanig ng magnitude 8.3 nalindol ang Chile na ikinasawi ng 15 at noong 2010 ay tumama rin sa bansa ang 8.8 magnitude na lindol na sinundan pa ng tsunami na ikinasawi ng 500.

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *