China at US nagkaloob ng tulong sa mga sinalanta ng Bagyong Paeng
Agad na nagbigay ng donasyon ang Chinese Consulate General in Davao at ang Local Filipino Chinese Chambers sa mga naapektuhan ng Bagyong Paeng sa North Maguindanao.
Ayon sa Chinese Embassy, ang donasyon ay ang unang batch ng disaster relief goods na natanggap ng Datu Odin Sinsuat, North Maguindanao na isa sa pinakamatinding sinalanta ng bagyo.
Kabilang sa mga ipinagkaloob ng Tsina ay distilled water, instant noodles at soup, water containers, bigas, tooth brush, kape, isopropyl alcohol, anti-mosquito gels at iba pa.
Samantala, ang U.S. government sa pamamagitan ng United States Agency for International Development (USAID) katuwang ang World Food Programme ay tutulong sa paghahatid ng mga food pack sa South Cotabato.
Ayon sa USAID, aagapay ito sa transportasyon ng 10,00 family food packs mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Isasakay ang mga food pack sa 30 trucks.
May karagdagan pang 25 trucks ang inihahanda para naman mag-deliver ng emergency food and relief supplies sa mga pamilya apektado ng kalamidad.
Moira Encina