China handa pa ring resolbahin ang mga sigalot sa isyu sa South China Sea sa pamamagitan ng “friendly consultations”
Tiniyak ng opisyal ng Chinese Central Military Commission, na committed ang China na maresolba ang maritime disputes sa South China Sea sa pamamagitan ng “friendly consultations” sa mga bansang direktang sangkot.
Ayon sa Chinese Embassy, ito ang inihayag ni Central Military Commission Vice Chair Zhang Youxia sa ika-19 na Western Pacific Naval Symposium sa Shangdong Province.
Gayunman, iginiit ni Zhang na hindi papayag ang Tsina na maabuso ang kanilang good faith at hindi tatanggapin ang pagbaluktot sa international law.
Nanindigan ang opisyal na puprotektahan ng Tsina ang mga lehitimong karapatan nito at aaksyunan ang mga hindi makatuwirang pag-uudyok.
Nanawagan din ang opisyal na abandonahin ang “Cold War” mentality at resolbahin ang pagkakaiba sa pamamagitan ng dayalogo.
Ayon sa pahayag ng Chinese Embassy sa Pilipinas, “China has been committed to resolving maritime disputes peacefully through friendly consultation with countries directly concerned, but it will safeguard its legitimate rights in the face of deliberate violation of its sovereignty and it will take firm countermeasures against unreasonable provocations.”