China, magdo-donate ng dalawang milyon pang doses ng Sinovac
Nakatakdang mag-donate ang gobyerno ng China ng dalawang milyong doses pa ng Sinovac sa gobyerno ng Pilipinas, ayon sa Chinese Embassy.
Sinabi ni Chinese Ambassador Huang Xilian, na ang panibagong donasyon ay darating sa susunod na linggo, dahil dito aabot na ngayon sa hindi bababa sa 57 milyong doses ang naipadala ng China sa Pilipinas, binili at donasyon.
Ayon kay Huang Xilian . . . “In 2021, China and the Philippines focused on pandemic control and economic recovery. We have conducted more mutually beneficial cooperation in various fields than ever before, forging a closer partnership in the new era. Chinese vaccines have not only been the first Covid-19 vaccine to arrive in the Philippines but have also become the major source of vaccination in this country.”
Kinilala rin ni Huang ang pagsisikap ng bansa na pigilan ang pagkalat ng Covid-19, at binanggit ang malaking tagumpay ng Pilipinas sa paglaban sa pandemya.
Sa ngayon, ang Pilipinas ay nakapagbakuna na ng 94.2 million doses ng coronavirus vaccine simula noong March 2021.
Ayon sa pinakahuling datos mula sa National Task Force Against Covid-19, higit 39 na milyong katao na ang ganap nang bakunado o fully vaccinated, habang 643,370 naman ang nabigyan na ng booster shots.