China, magtatayo ng mga nuclear plant sa ilang nasasakupang karagatan
Plano ng China na magtayo ng ilang nuclear power plant sa ilang bahagi ng malawak na karagatang sakop nito.
Ayon sa China’s Atomic Energy Authority ang nasabing plano ng China ay naglalayong doblehin ang atomic capacity ng China bago dumating ang taong 2020.
Bagama’t hindi tinukoy kung saan sa pinagtatalunang teritoryo ito itatayo, sinabi ng opisyal na layon ng China na palakasin ang maritime power nito kaya gagamitin ang lahat ng resources ng karagatang kanilang sinasakupan.
Please follow and like us: