China nag-donate ng P10-M cash assistance sa PH para sa relief efforts sa mga sinalanta ng bagyong Agaton
Nagkaloob ang gobyerno ng China sa Pilipinas ng P10.2 million na cash assistance para sa relief efforts sa mga lugar na hinagupit ng bagyong Agaton.
Ayon kay Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian, nakikisimpatiya ang China sa lahat ng pamilyang Pilipino na naapektuhan ng kalamidad.
Nagpaabot na rin aniya ng kanilang mensahe ng pakikipagkaisa at pakikidamay sina Chinese President Xi Jinping at State Councilor and Foreign Minister Wang Yi kay Pangulong Duterte.
Aniya umaasa ang China na malalagpasan ng mga Pilipino ang mga paghihirap na dinaranas bunsod ng bagyo at maitayo sa lalong madaling panahon ang mga nawasak nila na bahay.
Sa datos ng NDRRMC, halos 200 na ang patay at nasa 100 ang nawawala dahil sa bagyong Agaton.
Tinataya namang nasa dalawang milyong indibiduwal ang naapektuhan ng bagyo.
Moira Encina