China, nagpaabot na ng pagbati kay Joe Biden sa pagkapanalo sa US election

BEIJING, China (AFP) — Binati na ng China si US President-elect Joe Biden, halos isang linggo matapos itong ideklarang panalo sa katatapos na halalan.

Lalong lumala ang hindi magandang relasyon ng US-China s amga nakalipas na taon sa ilalim ng administrasyon ni Donald Trump, at ang relasyon ay singlamig na mula nang maitatag ang pormal na ugnayan ng dalawang bansa, apat na dekada na ang nakararaan.

Sinabi ni foreign ministry spokesman Wang Wenbin, na nirerespeto nila ang ginawang pagpili ng mga mamamayang Amerikano.

Ayon kay Wang, nauunawaan ng China na ang resulta ng US election dedeterminahin batay sa laws and procedures ng Estados Unidos.

Ang China ay kabilang sa ilang malalaking mga bansa gaya ng Russia at Mexico na hindi agad nagpahatid ng pagbati kay president-elect Joe Biden, sa simpleng dahilan na napansin nilang idineklara lamang ni Biden ang kaniyang sarili bilang siyang nanalo sa halalan.

Samantala, hindi pa rin nagko-concede si Trump kay Biden gaya nang nakagawian, kapag may inaasahan nang mananalo.

Ang apat na taon ni Trump sa White House ay markado ng trade war sa pagitan ng China at US, kung saan nagbatuhan rin ng sisi ang Beijing at Washington sa  Covid-19 pandemic at human rights record ng China sa Xinjiang at Hong Kong.

Sa ilalim ng kaniyang “America First” banner, ipinakita ni Trump na ang China ang pinakamalaking banta sa Estados Unidos at sa global democracy.


© Agence France-Presse

Please follow and like us: