China, nakiisa sa kasunduan na dalhin ang Covid-19 vaccine sa mahihirap na mga bansa
Lumagda ang China sa isang kasunduan, na titiyak na maipamamahagi sa developing countries ang Covid-19 vaccines.
Nangako ang COVAX na dadalhin ang bakuna sa mahihirap na mga bansa, sa sandaling madevelop ito, upang mapawi ang pangambang malilimita lamang ang distibusyon nito sa mayayamang bansa.
Sinabi ni Chinese foreign ministry spokeswoman Hua Chunying, na nakiisa ang China sa COVAX, bilang paggalang sa pangako nito na gawing para sa ikabubuti ng buong daigdig ang mga bakuna sa Covid-19.
Hindi naman ito nagbigay ng detalye kung gaano kalaking salapi ang ibabahagi ng China sa kasunduan, na ang target ay makatipon ng dalawang bilyong dolyar at naglalayong bigyan ng bakuna ang 92 low at middle-income countries.
Ayon kay Hua, uunahing bigyan ng Chinese vaccines ang developing countries at sinabing umaasa ang China na mas marami pang bansa na nagde-develop din ng bakuna, ang lalahok at susuporta sa COVAX.
Agance France-Presse