China nangako ng financial support upang maibalik ang kanilang agricultural output pagkatapos ng mga pagbaha
Sinabi ni Chinese Vice Premier Liu Guozhong, na kailangang pahusayin pa ng agricultural sector ng China ang kapasidad nito para sa disaster prevention at mitigation, kasabay ang pangako ng dagdag na suportang pangpinansiyal upang maibalik ang agricultural output ng bansa pagkatapos ng mga pagbaha.
Ipinanawagan ni Liu ang pagpapalakas sa monitoring ng rainfall conditions upang makapagbigay ng early warnings at mapahusay pa ang defense capabilities, laban sa water at drought disasters sa mga pangunahing water conservancy project sa northeastern provinces ng China.
Ang pahayag ay ginawa ni Liu habang nagsasagawa ng isang investigative trip sa Liaoning at Jilin provinces sa northeast China.
Banggit ang Ministry of Water Reasources ng China, iniulat ng state broadcaster na CCTV na walong mga ilog sa mga lalawigan ng Liaoning, Jilin, Heilongjiang, at mga rehiyon ng Inner Mongolia at Xinjiang, kasama ang iba pang mga lugar ay nakaranas ng mga pagbahang mas mataas pa sa warning level ngayong Miyerkoles, Aug. 13.
Malaking bahagi ng ilang lugar gaya ng Sichuan Basin, Yellow River, Huai River at ilang bahagi ng North China Plain ang dumanas ng grabeng pag-ulan noong Hulyo, kung saan binasag nito ang precipitation records sa 33 weather stations sa Henan, Hunan at Shandong provinces.
Ang labis na mga pag-ulan at kasunod na mga pagbaha ay nagresulta upang halos dumoble ang ‘economic loss’ dulot ng natural na mga sakuna noong Hulyo mula sa nagdaang taon, ayon sa gobyerno.
Sinabi ng Ministry of Emergency Management, na ang China ay dumanas ng 76.9 billion yuan ($10.1 billion) economic losses dulot ng natural na mga sakuna noong isang buwan, kung saan 88% nito ay sanhi ng malakas na mga pag-ulan at mga pagbaha.
Batay sa data ng ministry, ito na ang pinakamalaking halagang nawala para sa buwan ng Hulyo simula noong 2021.
Ang natural disasters sa buwah ng Hulyo ay nakaapekto sa halos 26.4 million katao sa buong China, kung saan 328 sa mga ito ang kung hindi namatay ay nawala.
Mahigit sa isang milyong katao rin ang na-relocate, 12,000 mga bahay ang gumuho at 157,000 iba pa ang napinsala.
May 2.42 milyong ektarya rin ng mga pananim ang naapektuhan.